Linggo ng Wika: It's more about the Language

Nakakatuwang isipin na ngayong araw na ito nabuksan ang aking isipan sa kahalagahan ng kasarinlan at pagkakakilanlan. Sa paaralan, kalimitang napapahalagahan lamang ang wikang Filipino tuwing buwan ng Agosto, ang selebrasyon na kumikilala sa wikang pambansa bilang tagapag-ugnay sa diwa at puso ng mga Pilipino saan man sa bansa.

Ngunit nakalulungkot isipin na tila bagang kahit mga guro sa Filipino ay hirap na hirap gamitin ang wikang kanilang tinuturo. Ang mga nakatala sa ibaba ay ilan lamang sa mga nakatawag pansin ng aking mata at pandinig kaninang umaga sa isang palatuntunang pinamunuan ng mga taga departamento ng wika. Halos matawa rin ako sa diwang paano kaya kung ang 'Biology' ay ituro na rin sa wikang Filipino. Magiging katawa-tawa rin kaya?

2010: Dalawampung sampu
Bb: Binibinang
College of Business and Accountancy: Kolehiyo ng Negosyo at Pagtutuos
College of Arts and Sciences: Kolehiyo ng Arte at Siyensiya

Pag-pasok ko sa opisina ay sinikap kung magsalita sa wikang Filipino at ito ang nangyari?

Where is ny wife? (Nasaan ang aking kabiyak?)
May I borrow your laptop? (Pwedeng hiramin ang iyong binting taas?)
Do you have an internet signal here? (Meron ba kayo ditong senyales ng loob ng lambat?)
What is the address of that webpage? (Ano ang tirahan ng pahina ng bahay ng gagamba na yan?)

Comments

Anonymous said…
gawa ka diksyunaryong filipino sir hehe

Popular posts from this blog

Boom in Brooms: The Potentials of Tiger Grass Industry

Lightning and Mushroom Growth

Rubrics